Buhay at kamatayan
Ay nasa pusod ng dagat
Ngunit ang mga galamay
ng lambat
Hindi mapagpatawad
Iisa-isahin hanggang
may lumutang
Naghihingalo
Walang kapangyarihang
Bumitaw sa nakagisnan
Walang pag-asang
Makahihinga pa sa
kawalang
Handog ng mangangamkam
Pinapatay
Pilit na sinusupil
Ang naglalagablab na apoy
Ang mithiin, ang
pangarap
Na sa pagmulat ng mata
Ang bukang-liwayway ay bubungad
Sumisisid
Tumatakas, kumakalas
Hamunin man ng alon,
Ng malalaking patak ng
dugo
Siya’y sisisid upang mapigtas
Ang mga tanikalang pinagkawing-kawing
Misyo’y kumitil
hanggang said
Hanggang wala na
No comments:
Post a Comment